Tanong ng Bayan..
Handa ka na ba..?


Boom boom boom, gotta get-get..



ready..set..go..
Eksayted much..


don’t worry safe akong mag-drive..
June 27, 2009
Tanong ng Bayan..



Boom boom boom, gotta get-get..



ready..set..go..



June 20, 2009
Ako’y napasubo lang sa usapan kaya heto balik na naman ako sa harap ng aking apat na sulok na mundo..ikaw ba naman ang alukin ng isang kiss-es..
updates : ano nga bang bago?
noong isang lingo eh kinarir ko ung pag kukumpuni ng mga matitinong pc’s dito sa opisina, syempre may permiso un ng boss ko, buti na lang at hindi ako tinopak kaya pinagtyagaan kong hanapin kung bakit ayaw umikot ng fan..hindi ceiling fan ok?..gamit ang naka-magnifying eyes ko, inisa isa ko ung mga koneksyons, at shooooott!!may naputol pala.bago ko reypin (galawin) kailangan ko munang ipaalam at ipakita sa boss ko ang lahat at kung anong magandang solusyon..
buti naman may tiwala sya..ako kasi wala har har har..
habang nag tra-trabaho pasilip-silip ako sa tambayan ng mga adik..at tulad ng dati nag-papalipas na naman ng oras ang mga walang magawa..pero in fairnessss masisispag yan lalo na sa usapang KARMA update..buti na lang hindi kayang blocked yan ng IT namin dito, he!he!he!dahil kung nag-kataon mag-kukumahog din ako sa pag-hanap na ng proxy sites he!he!he!

screw lang katapat mo
Usapang beerdey..
ang daming may berdey ngayon, ung 3 bruha kong kapatid, ung mga ka-chokaran ko sa plurk at blog..si rhizz, at syempre ang aking anibeersery..jowk ung huli.. makamtan sana nating lahat ang pag-papala ng tayo ay mapala..mahal ko kayo walang halong eklavooo..
byaheng dubay naman tayo..
nakiberdey kami kila toyz kasama ang mga adiks..humahataw pala tong si muymuy sa kantahan with matching pakner of wellong, (hindi kami sa kuwait napunta at mas lalong hindi sa party ni joyo..kay TOYZ talaga diba muy?)syempre hindi naman papahuli si shepipay na tataubin ata si katrina sa pag-sayaw..naka naman!
magulo, masaya at puro kalokohan na naman..
ano pa nga ba ang aasahan?
bago kami mag-hiwa-hiwalay, nakita ko ung ex ng bf ng bstpren ko..hmmmnnn..syempre hindi naman ako kilala nun..ako lang nakakilala sa echuserang frog na un..amppp..mega pasa kasi tong si bst ng pix eh papahanting daw sa akin as if naman sanay ako sa gulo..
guluhan na lang ng ano..
ano..buhok sa ulo..
at syempre LSS ako..
nakahanap ako ng koneksyon, he!he!he!mega browse sa you tube kung ano nga bang bago..eh kaso mo wala..kaya hanap na lang ng music para mapalitan ko naman ang ringtone ko,,sabog na sabog na kasi ang tenga ko sa boses ni akon..
at eto un!
can’t wait na..
this MOVIEEE ohhemgeeeh..pipila ako ng bongga..
may update na..may kiss-es pa..bleeeh
June 14, 2009
TAKAMATSU AT AKO..
Pabalik-balik ako sa lugar na un kung saan kita nakita, kung saan kita nakilala, kung saan pinangako ko sa sarili ko na babalikan kita, dahil gusto kitang makasama.
Maraming humahanga sayo, takaw pansin ka kasi, kumbaga kakaiba ang iyong pang-halina. Sa unang tingin pa lang naakit mo na ang mata ko, nag-liwanag ang paningin ko ng mapasulyap sayo.hindi ko alam, hindi ko mapaliwanag, siguro ganun talaga pag-minahal mo agad.
Minsan lang ako maadik. At bihira lang ako magandahan, kung sa iba maaring isa ka lang din sa karamihan,pwes!hindi sa akin. Dahil espesyal ka.
Espesyal ka sa aking mga mata.
Sabi nga nila, SIMPLE PERO ROCK..un ka!
Kumikinang-kinang pa ang aking mga mata sa tuwing masusulyap sa iyong ganda, ang kinis mo at lambot ay aking hinahanap-hanap sa magdamag. Sabihin na nilang ako’y baliw pero wenu ngayon. Ang mahalaga sa akin ka mapunta.
At di nga ako nag-kamali dahil sa araw na to. Makakasama na kita. Hayaan mong alagaan kita, mahalin gaya ng iba. At habang bumababa ka mula sa iyong kinalalagyan, hindi ko maiwasang hindi ka titigan.
Sa wakas..akin ka na rin.
June 6, 2009
Ilang araw na lang at BIG BANG na! BIG BANG, hindi eto ung tinutukoy kong sokolate na kalaban ng cloud 9, pero mas paborito ko ung huli..ok?
hindi kami magkikita ni AJ, ung kinakapatid ko,saliwa naman kasi ang uwe nya..
ilang araw na lang matitikman ko na ang balut at itlog pugo sa palengke, ang goto ni ate sally at ang walang kamatayang biko ni ante..
ilang araw na lang mabibigay ko na rin kay canky ang isang toneladang sokolate..isang plastik lang pala..
ilang araw na lang makakaligo na naman ako sa falls sa pundaquit at makakaakyat na naman ako sa bundok ng capones, camping!camping!sa may anawangin!..muli ko na namang mabibisita ang nakatagong paraiso.
ilang araw na lang, makikita ko na ang mga magugulo kong barkada mula elementarya, haykul at maging sa kolehiyo..reunion ba ang dadatnan ko?
ilang araw na lang, makakakain na ako ng isaw nila mau, buhay pa kaya ang tambayan?o tuluyan ng nabulok ang kahoy na upuan?..
ilang araw na lang, makakapanood na naman ako ng nag-hahabulang pulis at mga kareristang illegal. may mahuli na kaya?makikisali na naman ang mga siga!
ilang araw na lang beerdey na ng 3 bruha sa buhay ko, si ate, si ading at si bunso..kamusta naman ang wallet ko?
ilang araw na lang, makakalaro ko na sila ng pusoy dos at bingo!
mahigit isang taon na rin ang nakakalipas, pero parang kelan lang at
ilang araw na lang..

familia
sa ayaw at sa gusto nyo..
makakasama ko na kau..!
May 27, 2009
Nakalipat na kami sa bagong opisina, hindi sya kalakihan at hindi rin naman ganun kasikip ang lugar namin sakto lang para sa mga taong matitira dito sa branch , habang ang lahat eh maililipat na sa kabilang channel parang 7 at 2 ..lipatan.
Nakakatuwa na nakakalungkot .
nakakatuwa dahil umangat na ang ranko ko, hindi na ako basta pipitsuging taga-bilang o taga-putol ng kung ano man ang dapat maputol at gustong ipaputol, ipadagdag o ipabawas parang belo lang,
by appointment na ako ngayon, indemand kung baga, wahaha feeling..
noon kasi halos di ko magamit ung mga konting natutunan ko sa eskwelahan, natenga ng matagal ang talent ko, talento din naman yung pag susuot ko sa ilalim ng mesa at pag-akyat sa kisame, hindi kayang gawin yun ng maarteng enhinyera..
san ka pa!madalas na ring madumihan ang kamay ko ngayon , hindi na rin maiwasan na madumihan ang damit ko, sabagay mas gusto ko nga un..magbutingting na tulad ng isang mekaniko..hindi tulad dati na nangangalay lang sa pagpindot ng mapipindot..tulad ng paglalaro ko ng sudoku sa aking celpon..
Nakakalungkot lang dahil hindi naman umangat ang sahod ko,
hanu ba un?!?
hindi naman ako makahirit ng increment dahil tyak susuplahin lang un ng accounts at sabay “I AM SORRY” na parang Gloring ang dating..
mahirap ang trabahong binibigay sa akin ni boss, pero wat to do, matindi ata ang epekto ng falafel na binigay ko noon sa kanya, at ganun na lang ang tiwala nya na magagawa ko ng maayos ang lahat..
well sana..inshalla!
Ayos din palang maging serysosong empleyado, nararamdaman mo talaga ung pagiging “parte” nito.
Ung normal mong buhay naman ang magiging bisi, nakakasawa din palang maging abnormal lagi..seryoso na ako ngayon.
Wala ng ka-echosang magaganap..pero kung makakalusot huwayyy not!
November 16, 2008
Matagal ko na dapat na post since the very first time etong lumabas sa net..kaso walang time kaka-plurk
) konting tulong lang to sa mga tamad mag-surf sa net..oo nga naman ang hirap kaya ung type ng type lalo na kung lagi ka lang nagnanakaw ng oras..ha!ha!ha! alam ko naman na lahat tayo e may mga internet life..minsan mas marami pa nga tayong nauubos na oras sa net kesa sa work?(oooppss ang kumontra KORNI)
click here: FAST DIAL
NOTE: If you want version for Firefox 2, click “Show all versions” below on this page and choose version 1.89. If you installed version 2.x, but want to go back to 1.x, then please read http://userlogos.org/node/2243
Ways to open Fast Dial page:
* Open a new tab (press Ctrl+T).
* Close all tabs. FD will be displayed in the last tab standing.
* Set “about:blank” as your home page address.
* Place FD toolbal button on the toolbar: right-click the toolbar, choose “Customize…”, then find Fast Dial button (4 colored squares) and drag-n-drop it to the toolbar.
Ways to add new bookmark to Fast Dial:
* Open site you want to add in a tab. Then double-click “star” icon in browser address bar – bookmark properties dialog appears. Select “Fast Dial” folder in this dialog and click OK. That’s it, bookmarks is added.
* Open site you want to add int a tab. Then switch to Fast Dial tab, click an empty cell – thumbnail Properties dialog appears. URL field has a drop-down with a list of sites currently opened in tabs. Select the site from list and click OK. Bookmark is added.
Features, new in version 2.x:
* Works only in Firefox 3
* Fast Dial bookmarks are stored as Firefox bookmarks (Bookmark Menu > Fast Dial subfolder). Thus it’s possible to manage Fast Dial bookmarks using Firefox Bookmark Manager and Bookmark Sidebar.
* Every folder (group) has its own URL. Thus it’s possible to open several different folders in different tabs simultaneously, which wasn’t possible in FD 1.x. Folder thumbnails display folder contents.
* Appearance can be specified for each folder individulally.
* Every thumbnail can have arbitrary keyboard shortcut
* Maximum 3 thumbnails are refreshed simultaneously, thus preventing loading failures on slow internet connections.
* Conflict with WebDeveloper extension is fixed.
Other features:
* Check “Folder” checkbox in thumbnail Properties dialog to create folders
* Drag-n-drop a thumbnail to change its position. Alternatively use Bookmark Manager (menu Bookmarks > Organize Bookmarks) or Bookmark Sidebar (Ctrl+B) to manage bookmarks.
* Move mouse over top-right thumbnail corner for popup buttons (Delete/Refresh/Properties) to pop up.
* Left click thumbnail and hold mouse button to see zoomed image
* Ctrl+right click thumbnail to open Firefox context menu
fastdial nila :


fastdial ko :


ang laki ng pagkakaiba diba?syempre!d ko pa masyado napapag-aralan..saka na pag hindi nko nag-nanakaw ng connection sa kapitbahay na si “triggerman” baka mahalata at ma-trigger ako..bwahahaha..

isa pa..yan ang umuubos sa oras ko pag naboboring ako sa opisina..tsk..sipag eh nu?he!he!he!
so enjoy na lang sana may natulong ako..kahit medyo late na ang post kong eto : DIAL UR SITE na!

PS: hindi ako adik..18/7 lang nauubos kong oras sa net..nyahahaha..


November 19, 2008
Sa barangay namin may iba’t-ibang klase ng tambay..
iba’t-ibang fashion mga trip minsan nga sila-sila nag-babanggaan sa kalye..merong METAL kasama ng mga RAKISTA, ung HIP-HOP kasama ng mga Rapper at SkaterBoi, at ung mga PUNKISTA sa gigilid kasama ng mga EMO??
Teka bago un ah..ano nga ba ang EMO?may mga nakakasalubong akong mga kabataang kalahati lang ng mukha ang natatakpan tpos ang daming kulay ng buhok at makapal ang make-up..hindi ko naman maintindihan kasi kahit lalaki may MAKE-UP!!!
kaya tinanong ko si pareng WIKI :
“It is a label people give themselves for being apathetic and emotional to an extreme(usually miserable), but wallowing in it & not wanting it to change.
They tend to feel they are misunderstood and that life is not fair to them in specific.
It is in fashion with some of the group to cut themselves and wear heavy eye make-up..”
Sabi naman ni mareng GOOGLE:
“Emo is just another new term that people use as an excuse to isolate someone with different point of views or looks.”
In my opinion?
“Ang mga STEREOTYPE ay mali..and to be honest, some of these so-called “EMO-KIDS” “EMOTERS” are smart people because they’re not busy trying to get other people DOWN..wala silang pakialam sa mga feelers..they’re just living they’re lives and having fun. People just have to learn to SEE beyond someones APPEARANCE and MOVE on..hindi sila ung akala mong KULANGOT ng LIPUNAN..
PS. hindi ako emo..(na may makapal na make-up o naglalaslas ng pulso)
may mga bagay lang tayong hindi nauunawaan dahil sarado ang utak ng ibang tao.. 


November 22, 2008
Get this award on your blog Click here
Since i’ve been tag by Libay he!he!he!(thanks
)another award for me yahoo..2 times na to..i will tag my friends ONLINE..hi!hi!hi!
PS: sana sa susunod pwedeng abot ng 20 ang award para makasama ang iba
The Rules:
1. Each blogger must post this rules.
2. You need to choose at least ten people to be awarded and list their names.
3. Don’t forget to leave them comment telling them they’ve been tagged and to read your blog.
November 22, 2008
Huwebes ng gabi habang nanonood kami ng tv..palibhasa walang choice kundi(EAT BULAGA sa umaga, tanghali at gabi) nag-plano na naman ang 2 mokong kong kaibigan..
macoy : anong lulutuin mo bukas
mamoi : ikaw?anong gusto mong lutuin (sabay lingon sa akin)
arnie : magluluto ako, adobong manok with atay(yummmmmmm)
macoy : wag ka ng magluto, manguha na lang tayo ng TULYA sa breakwater bukas ng umaga 5:30 gumising na kayong 2..
mamoi : wala bang red tide dun?
macoy : wala.. sa ras al khaimah lang un..
arnie
k fyn..TULYA atak bukas..sabay ” picture lang ako sa inyo hehehe..”
simangot ang dalawa at sabay sabing “ULAMIN MO ANG CAMERA”
(kamot sa ulo na lang si arnie)
Nov. 21,2008, Ajman Breakwater
“Pag-gising sa umaga,tinapay almusal..at may baon pang kape sa tulyahan
“(”estudyante blues”)
for da pers taym..sumama si tito sa lakad ng mga bagets..he!he!he!feel din palang mag-tulya..pagdating namin dun sight muna ang place kong madaming mahuhuli at kong tama ba ang lugar na napuntahan namin..d kasi nakasama si TULYA MASTER(kuya nadz)
Eto ang representative ng kanyang AMA..ha!ha!ha!bata pa lang kumakayod na..
nickxen: ano pare may nakita ka na ba?
palibhasa maaga pa kaya eto lang ang nakuha namin..“walang uuwe hanggat walang nakukuha sabi ni MACOY”d naman halatang sabik sa tulya..ha!ha!ha!
at dahil hindi ako lumusong sa break water at pinangatawanan kong mag-picture eto mga napagtripan kong kuha..
sabi nga : ang tulyang pinag-hirapan..lamang tyan din yan ..
masaya na namang natapos ang byernes ko..sobrang pagod dahil kinagabihan sa SHARJAH DOW RESTAURANT naman kami nagpunta..SEA FOODS DELIGHT AGAIN!


December 3, 2008
I’m back nyahaha (matagal ba akong nawala?)ilang days lang eh..pano naman kasi busy ata ako ha!ha!ha!ok fayn, busy ako kakaiwas sa pagsinghot sa amoy ng GINGENIR naming PANAdolikz..so blentungan na!!
2 days(nov.28-29, 2008) akong nawala ibig sabihin may kinarir na naman akong bago at un ay ang maging MARSHAL sa katatapos na DUBAI INTERNATIONAL RALLY 2008 (click link for the result), kung dati ay motor lang ako interesado ngayon pati kotse na..nyahaha..un nga lang ang pagiging professional racer na pinapangarap ko naku!malabo pa sa sandstorm ang resulta..pero ayos lang dahil hindi ko man un marating at least isa ako sa mga nakaranas na mapanood ng LIVE at maging MARSHAL ng isang INTERNATIONAL RALLY..
Unang araw kailangan gumising ako ng 3:am as in madaling morning un!(hindi naman ako excited eh) at syempre mawawala ba ng photo shooting?oo naman..HINDI!!
GAS STATION : flash, click, flash, posing ng posing ang mga ADIK..hanapin nyo ang mga hindi naligo dyan nyahahaha

Were on our way to HATTA OMAN..YEEEEEEY..kung gaano kalakas ang sounds ng sasakyan na halos sumabog ang ear drum ko, ganun din ang tulin magpatakbo ng sasakyan ni sami.. nangati nga lang likod namin ni jesus dahil naalog na husto ang baby fats namin(baby fats daw..nyahahaha)ang akala naming 2 hrs eh parang 45 minutes lang..
Location Site : Nakita na namin dun si MR.RAMIR(pinoy, mga managers, at ang iba pang marshals), ang stage manager and radio controller ng event..nagbibigay na sya ng instructions..
Mr. Ramir : Ok guys, this is the first day ng race, may 2 race tayo ngayon, and i need your cooperation..(sabay bigay ng uniform, i.d, radio, ballpen at time table..)dun sa mga may hawak ng radyo, sa channel 2 lang tayo lagi(wow KAPAMILYA), walang mag-lilipat ng channel, may mga code tayo bawat isa, (bigay ang code COMMUNICATOR ALPHA 1 ang sa akin..nyahahaha)ok, paki-check ang mga radyo kung malinaw..
Arnie : radio check, this is alpha 1 over(walang sagot sa kabilang linya)so, inulit ko..TESTING..TESTING, sound check NOT mike over..(may sumagot, not MIKE this is radio control over)ayun gumana!kailangan lang palang gawing sound system to ..nyahahaha)
Mr. Ramir : so ok na?sa lahat ng may hawak ng radyo, wala akong maririnig na iba sa ere kundi ang car number, at PASSED(hindi passed away gaya last year ung mga pana un ang sinabi, wag nyo patayin ang mga racer ok?ex: “CONTROL THIS IS DELTA1 CAR NUMBER 3 PASSED”un lang, wag nyong gawing telepono ang radyo, do you copy?
MARSHALS : “LOUD AND CLEAR”
Estimate ko 5-6 km from starting line ang layo ko, halos nasa border nako ng OMAN which is 500 meters away na lang pwede nako mag-exit(change visa?)NOT!!!at dahil matagal pa bago mag-simula at natengga ako kahihintay napg-tripan ko na naman ang camera..he!he!he!
Inabot na ako ng gutom sa gitna ng disyerto, hindi pa nagsisimula ang RACE, nyemas..anong gagawin ko?ung baon ko nasa kotse..ampff..naalala ko bigla ang mga nagtitinda sa quiapo at divisoria sa pinas..makapag-desert vendor nga..lololzzz
sana may dumaan(asa!) why not db?
At hindi nga ako nag-kamali dahil ang pwesto ko ang pinaka-perfect para makuhaan ng pics ang mga kotse may pumuntang britones..dali-dali kong pinulot ang sapatos ko..baka pagkamalan pa akong SIRAULO bleeeeh
Britones : How are you?
Arnie : Fine..and how about u mr..?
Britones : John, call me john..I’m Bloody Fine (taena nagdudugong ok ka pala)sabay bigay sa tubig..yeeeeey..THANKS!
konting chika lang kasi tumunog na ang radyo “All communication this is radio control the race is about to start do you copy over..”
Arnie : radio control this is alpha 1 LOUD and CLEAR
click here for the video :The RACE BEGIN
at dahil sa bilis ng car number 3(entry ng ABU DHABI)eto lang nakuha ng camera ko:
hindi na rin masama dahil sobrang BALOT ang ginawa ko sa buong katawan ko nyahahaha..akala nyo mauutakan nyo ako?
MGA LITRATO SA MOBILE KO :
kung nung day 1 hinayaan ko lang ang car number 3 na paliguan ako ng alikabok..pwesss!sa day 2 HINDI na..nyahahaha


hindi ko alam ang pangalan nya pero hawig sila ni vin diesel diba?(movie:fast and the furious, saving private ryan, XXX)
UAE ENTRY FOR THE DUBAI INTERNATIONAL RALLY : CAR NUMBER 40 and CAR NUMBER 3
Umambon nung day 2, malakas ang kulog at may kasamang kidlat, mas delikado ang pwesto ko kasi open sya at ang kidlat tumatama kahit saan lalo na sa open area, pero d ako nagpasindak, para may ebidensya..tignan nyo ang cloud na to, walang photoshop yan,maliban sa nilagyan ko lang ng text..
MGA HIRAM NA LITRATO :
picture credit to automobilsport
since maaga naman natapos ang 2 race kahit amoy buhangin kami smile pa rin pag na click ang camera..


December 10, 2008
Eid Mubarak!
3 araw na bakasyon na naman ang inabot ng mga taga-UAE(ewan ko lang kung pati sa ibang part ng MIDDLE EAST ganun din)kahit inggit ako sa may 5 araw na bakasyon grande, sulit na rin ang bakasyon ko dahil nag-piyesta de pisda ang mga taga mansoora.. pumunta kami ng fish market at naghanap ng mabibilihan ng mga pamingwit..at dahil sa dala ko na naman ang camera ano pa nga ba ang maasahan?

crystal plaza & gold souk

kuwait runabout

sharjah etisalat
pasensya na makulit lang talaga ang daliri ko..(kahit walang anggulo)he!he!he!..hindi ako bumili ng fishing rod dahil wala naman talaga akong balak mamingwit.. gusto ko lang manood at mag-liwaliw..at syempre pa maging dakilang photographer nila
so go..go..go sagow!
4 pm na kami lumarga pers day ng fishing project namin..dahil medyo hapon na at wala ng ma-pwestuhan..BOKYA!!
d naman kami nagutom dahil nagluto sila ng chicken arrozcaldero bwahahaha

ang mga suspek
sino kaya ang may balat sa pwet ng hapon na un?hmmnn..could it be..aha!
Umuwe kaming luhaan at busog pero sabi ni tito babalik kami bukas..well prepared na at hindi na kami uuwing maiingit sa mga nakakahuli ng isda..
2nd Day, destination
AJMAN BREAKWATER kung saan namulot kami noon ng TULYA.
Ano pa nga ba ang pain?sosyal na isda gusto pa mamahalin na PUSIT(mahal po kasi ang hipon wahehehe..nagpaliwanag pa) na dinayo pa namin sa city center ng ajman..pero ayos lang dahil worth it naman..di nag-tagal isa-isa na kaming nakahuli..oo nga pala namingwit na rin ako..gumawa kasi si tito ng isa pang rod na nasa bote..(may talent jejeje)

mga salarin

father and son
nakakainip lang ang mag-antay, lalo na kung may istorbong bangka na pabalik-balik sa lugar, amfff..buti na lang maaga-aga kaming nagpunta wala pa masyadong tao at wala pang ka-kumpetensya..
Hala may multo sigaw ni kuya aigen, lingon lahat sa likod un pala umaandar na ang kotse ni kuya nadz na walang driver.. hindi pala na-park ng maayos, takbuhan na!hinabol ang kotse bago pa mag-dive mag-isa!bwahahaha!
ilang isda ang nahuli mo?stats:

karir na ba ito?
hindi na masama para mga baguhang tulad namin, nalibre na ang ulam namin pananghalian at gabihan..san ka pa?hindi nabutas ang bulsa namin ng isang araw..ha!ha!ha! enjoy ka na nakatipid ka pa..!![]()

December 18, 2008
Nag-huhumiyaw ang draft section ng blog ko dahil sa hindi ko na napapansin ang mga pending tags na yan, parami na sila ng parami, (4 lang sa pag-kakaalam ko) alam niyo naman na nag-gala ang inyong kapit-bahay at namulot ng basura kailangan dahil kailangan kumita..mahirap na dahil global crisis na nga..ayaw ko namang pati yata blog ko nakiuso na rin..
At ngayon ako’y nag-balik para ibahagi ang ilan sa makulit kong pag-mumukha..
alam kong mahirapan na akong makahanap ng bagong makakalabit taya (TAG), pero dahil malakas kayo sa akin kesa sa amoy ng sapatos ng ibang lahi dito sa opisina, babaliktarin ko ang mundo ng blogospia para makahanap ng ma-itatag..(pero sana ISA lang..ano?!!?hindi pwede??pwes??IBABALIK ko na lang sa inyo..bwahahahah)
This tag rules are:
1) Take a picture of yourself right NOW!.
2) DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.
3) Post that picture with NO editing.
4) Post these instruction with your picture.
5)Tag 10 people to do this..

no connection
walang daya!walang edit!walang-wala!pati connection WALA!
mga kinalabit ko:
sa wakas wala na rin..
December 16, 2008
Isang kamping na nakakabading..ahahahay..
Dec.11-12,2008
Since katatapos lang ng hindi gaanong mahabang bakasyon, buti naman at hindi ko nakasalamuha ng 3 araw ang may mala-alimuog na paa at isang super powers na syriana.kaya hindi ako naka-high he!he!he!ang inyong magaling na kapitbahay ay nag-lagalag na naman sa dubay..(camping mode ulit), akala ko kamping lang talaga, pero hindi may kasamang safari pa(ala safari ng mga not so professional)12:45 am Friday na un december 12, 2008, nag-under time ako sa part time dahil akala ko maaga kami makakaalis,(un pala umaga na) so I went home around 9:45..matagal kami nag-antay sa mga ka-session naming he!he!he!at ako’y tinatamad at inaantok na, parang ayaw ko na ngang sumama..pero NATULOY pa rin!
Narating namin ang CAMP SITE sa HATTA (other side ng racing track)past 2 am na ata un, madaming nag-kakamping karamihan kabayan, since si sami ang may alam sa lugar sinusundan lang naming sya, ang inaantok na mga kasama ko at syempre ako, wala ng sigla not until, bigla umakyat ang sasakyan sa malabundok na buhangin ng disyerto!TAKTE..si kuya nadz na na inaantok biglang nagising..WAAAAAAAAHHH!!!sigawan kami!(ay naging bakla pala ako)paano ba naman ang daan masyadong matarik at madilim, ang lokong si sami sa mahirap na daan kami dinadala..amffff…kapit ng mahigpit, hawak sa seat belt, jejeje..sigawan ng sigawan ang 6 na nilalang..nawala ang ANTOK ko, lalo na sa part na parang patusok na ang sasakyan namin..kapantay na ata ng bintana ko ang buhangin..amfff…paksyet!mahirap pala pag nasa tabi ka ng driver, makikita mo lahat, biglang pumasok ang daga at dun nag-drum roll sa dibdib ko..(teka meron ba ako nun??esep-esep)pero dahil magaling magmaneho si kuya nadz nakaya nya ang ganung eksena wahehehehe..pers taym nya un ha?!
At sa wakas nakarating din kami haiiiissst!!!tawanan na lang ng tawanan, habang nagtatayo ng tent at nag-sisiga ng apoy ang iba..hindi pa dun natapos ang kalbaryo ko!naiwan ang pin ng tent ko!!!hindi ko matatayo anobeeeeeerrrr…”wala ka talaga”Malaki ang tent ni tata kaya pinahiram nya sa amin pero hindi ako dun natulog dahil sobrang lamig!!!!(brrrrr)
Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil naatat ako sa quad bike na dala namin, he!he!he!motor motor!!(adik!)Palitan lang kami sa 2 quad bike na dala namin, at nakakaenjoy dahil ang akala mong babaliktad hindi pala, oha!automatic safari ang dating!
Mga nakakatuwang drama:
Sumakay kami nila aigen at joy sa jeep ni sami dahil mag-aala safari daw kami, puteeeeeekkk..mapapatid ata ang litid ko kasisigaw..at si joy (not maria_ligaya) ayun tinakbuhan ng dugo nya..wish ko lang mahabol nya..hihihihi..
”more,more!”sigaw ni aigen..amfff..more????!!!dyosmeng bata ire..baka ako naman takbuhan ng dugo ko!Sumunod pala sa amin si tata pero dahil magala un, lumihis sya ng landas, nakabalik na kami at lahat wala pa sya, un pala nawawala na!hinanap sya ni Sami sa gitna ng disyerto, hindi mahanap, at dahil walng kompas mahirap matukoy kung nasaan sya banda..
Sami: nasaan ka?
Tata: (sa dadaan ang eroplano)nakikita mo ba ang eroplanong to, kung nasaan ang eroplanong to, nasa tapat ako….
Sami : Ok ka lang?hindi ba umaandar ang eroplano??
After 15 minutes..nagkita din sila..wahahahaha mas matindi ang kantyaw sa kanya..
umuwe kami 1 pm ng hapon kung hindi lang pagod malamang ng GLOBAL VILLAGE pa kami, pero ang mga adik (makoy, betlog, arnie)gumala pa ng ajman..haiii ang eskapo sa dubai.. MASAYA!!!!gusto mo bang sumama???lolz!
December 20, 2008
10 buwan na akong nag-pepeling accountant(feeling matalino sa math) sa isang opisina, ang layo ng koneksyon sa sa kursong kinuha ko noh..?may napuntahan din pala ung pag-titinda ko ng kamote sa lansangan at pag-lilista ng mga kinain ng mga sabungerong may utang..tsk..
napapaligiran ako ng mga liga ng mga walang LIGO, at sa araw-araw na yun halos na-immune na ang ilong ko sa amoy nila at nabingi na rin sa mala-plema nilang usapan..kaya patawad kung minsan hindi ko kayo marinig kung sakaling tawagin nyo ako o makasalubong man nyo ako sa kalye..epekto lang yan ng pag-kakarehab ko..
dumadating ang boss kong patani late na as in 30 minutes na lang uwian na..(well,di naman araw-araw..)at hindi ko matandaan kung kelan kami nag-usap na lalagpas sa 3 minuto..at dahil 4 na oras ang working hours ko sa kanya 3 oras at 57 minutes napapanis ang laway ko buti na lang walang namamatay sa sariling lason..
ok na yun kesa mag-dugo ang buong katawan ko sa pag-papaliwanag ng ganito at ganoon..
sa araw-araw na pag-pasok ko sa kwartong tinubuan ng opisina,nasanay na ako na makita ang mga patani at islaw(pana), nag-yayakapang parang mag-shota, nag-bebeso besong parang bakla..haiiiii..MALALANDI!!!
(ok pa yung mga bading sa atin eh..cute pang tignan..)
at yung boss ko pag-dumating, uupo sa upuang maingay na kulang sa langis, oorder ng tsaa at tinipay na matigas kung walang kobos(arabic bread), pipindo-pindot sa remote control na may tape at mang-hihingi ng statement of account for the week..tatawa ng nakakaloko pag nakita nya ang ginawang komiks na pag-mumukha ni bush(knowing na galit sila sa US)..hahagalpak ng tawa with matching palakpak at padyak ng paa
“GOOD, VERY GOOD
“
haiiissst..kulang na lang i-record at i-video ko ang lahat ng yan, what to do..hehehe..tinatanong nyo kung anong ginagawa ko sa 3 oras at 57 na minuto?..nag-papangap na bisi sa trabaho..bwahahahahahaa..lolz
December 23, 2008

Happy Holidays!
Christmas is forever, not for just one day,for loving, sharing, giving, are not to put away like bells and lights and tinsel, in some box upon a shelf.
The good you do for others is good you do for yourself..!
dahil long vacation ang paparating..mapaulan,mapabuhangin man o mapa-snow..uunahan ko na kayo..(palagay ko)..
just a simple greeting from your (not so normal )friendly kapit-bahay, ka-blog, ka-plurk,ka-friendster, ka-multiply, ka-chikka, ka-ym, kapamilya, kapuso,kabarkada, ka-share sa bahay,bata, matanda,may ipin o wala, nakikishota,sinoshota, mga walang syota, mga iniwan ng asawa, mga byuda o byudo, kasabay sa taxi, bestfriend mo doon at dyan,kahit saang sulok ka man ng mundo, kasama sa kalokohan o kahit anong pang kabilugan ng buwan..
MALIGAYANG PASKO at MASAGANANG BAGONG TAON..!!!
PB (pahabol Blog) :
d po ako tumatanggap ng regalo..cash na lang..joke
December 31, 2008
Ilang oras na lang 2009 na!babosh na sa maligayang 2008..hindi ko masyadong ma-elaborate sa inyo ang nangyari sa 2008 edition ng layp story ko..pero masasabi ko na hindi ako ganun ka-ganda..este hindi ganun kaganda ang 2008 typo lang sa explanation..sorry na!
Naimpluwensyahan yata ako ng HOMORSKOP na yan..un bang binabasa ang ikot ng buwan at mga bituin sa langit..NOSTRADAMUS ang dating..sinabi ba naman ang 2008 ko ang year ng PAG-BABAGO..(Pag-babago as in magdadalaga na o magbibinata?wahahaha!!!..oh oh madami na namang mag-rereact sigurado..sows..!twisted na ba kayo!?)ok ok nagpapatawa lang..
WAK NA KAYO!!!
Ang taong 2008 ang nagpatibay sa akin..naranasan ko lahat ng hirap lalo na ang pagiging expat..kerey kerey lang ang sitwasyon..sabi nga
..IN GOD I ALWAYS TRUST..
buti na lang nandyan si dadi Jesus..hindi ako pinabayaan..hihihi!
syempre hindi naman dapat mag-pakadalubhasa ako sa pag-tratrabaho..may LIFE din naman ako na dapat e-explore..dami din eskapo na naganap, mga adventures na akala ko hindi ko magagawa..tulad na lang ng camping (fujairah, al ain, hatta oman), fishing (ajman, ras al khaimah), car racing (Hatta oman)ng isang international rally, ang mamulot ng tulya, at ung mga hindi ko na na-blog pa..
madaming pang kababalaghang pangyayari pero eto pa rin ako..
AKO PA RIN ANG BIDA!
nasa akin pa rin ang
“HULING HAHAHAHA”
Para walang mag-tampo :
Sa lahat ng walang pag-dadalawang isip na makilala ako..mga taong may sariling mundo(sa blog or sa kahit anong website na nang-gulo ako at na-twist ang utak nyo), sa mga ka-text ko na hindi ko mareplayan..mga ka-chikahan at katelebabad ko sa telepono..gusto ko kayong pasalamatan mga taong(hayop,aswang,kabute) naging parte ng isang taon kong pakikipagsapalaran(kalokohan), mga bago at lumang plastik kong kaibigan, mga FRENS ko poreber, mga nakarelasyon ko at nakaladian ng isang araw, sa pamilya ko na walang sawa sa pag-unawa(at manermon) sa lahat ng oras, at sa naging pamilya ko dito sa dubai..
babayels 2008..
Sabay sabay nating salubungin ang 2009!!!
kampai!!!
____HAPPY NEW YEAR TO ALL ___
!!!!SALAMAT!!!!!
January 8, 2009
Unang blog post ko sa taon to!!yeeeeey!!!hmmnn..ayoko mag kwento about sa new year ko, dahil halos lahat ng napuntahan kong site eh iisa ang tema at ang iba mukhang hindi pa ata nakaget over sa mga holidays na yan kung tutuusin naman talaga BITIN! Lalo na sa tulad kong nagsisipag-sipagan daw ..mahirap kayang hintayin ang 11 buwan para ulit maranasan ang ganyang holiday.. ang malamig na panahon at ang sandamakmak na regalo na matatanggap mo, ang walang kamatayang listahan ng “bilmoko”,at hindi matapos tapos na “HIRIT”ng mga tambay sa kanto”Pa-shot ka naman”
Sa pag-uumpisa ng taon eh sobrang bisi agad, tinambakan ako ng walang katapusang trabaho at kailangan kong tapusin this week..namen..madami akong computer na pasasabugin at isang among ibibitin sa kisame..update and upgrade..follow up and make up..oi bakla kamusta naman?
Kaya siguro ung mata ko panay ang wink sa sobrang stress(sa plurk..)haist!sinumpong na naman ng sakit nya..un bang parang nagsasayawang ugat ha!ha!ha!hindi sira ang mata ko kundi ung may ari..at ayokong matuluyan pa ang ibang parts ng katawan ko..ok??
Dyahe pag may nakapansin, hindi na nga makita sa laki ng eyebag magiging kirat pa ata..nakow..wag naman po!!!ayoko mag-feeling ang fans ko na sila kinikindatan ko..ammffff..problemang malaki to pag nagkataon..
Himala na nga at nakapag-post ako ng walang wentang entry(na naman)..hindi ako gaanong makapangulet sa tambayan ng mga mongoloid kong kababayan este magaganda at nag-gwa-gwapuhan kong kababayan sa plurklandia (patay ka na naman arnie)..at hindi nga rin ako maresbak sa mga dyosang tulad ni issey,burinj at timi..(oi na-extra ang mga bruhang dyosa..amfff..)paano ba buong village ata kakampi nila.isang hirit ko lang sugod agad ang mga langgam..(ganun ba ako ka-sweet?..NOT!)at si UM pinagplaplanuhan pa kung kelan ako titirahin ng kulangot nya..(iwwwwww)..sige ka wala kang camel..hi!hi!hi!
Hindi ako masyadong aktib ngayon, ninja mode lang ako.kaya may pagkakataong mang-api ang mga bruha at bruho..Matatahimik na ang mga abnoy..at mamimis nyo ako..(asa!)Ayos lang yan mga parekoy, ang bida nag-papaapi muna saka na reresbak BIDA nga diba?so feeling ko BIDA ako at sila ang KONTRA-BIDA ng buhay ko sa web..sus!balang-blog, balang-buladas at balang-plurk (hindi ko talaga magawa ang balang YM eh suri na)makakabawi din ako..amfff..wak na kayong kumontra blog ko to!pasalamat kayo inextra ko pa kayo eh..dagdag hits din naman ah..nga pala wag nyong kalimutan ang comment nyo..minsan lang to..
Hanggang sa muling pang-gagambakla ko!!
January 25, 2009
Gusto ko sanang i-post ang MALL TOUR namin kaso lang parang hindi na yata akma at wrong timing na rin dahil napanis na sa draft ang entry na yun. After ng makabuluhang pagbabalik tanaw ko heto papasok na ang buwan ng mga puso..yeheeey..kamusta naman ang mga lables sa gigilid?count me in na rin ba?aahmm..NOT!(umeecho na naman ang sigaw nila : malandi, malantot, malanjutay, kerengkeng, hitad at haliparot)eh ano ngayon??
Ano nga ba ang halaga ng VALENTINES DAY kung wala ka namang syota, asawa, karelasyon o wateber..kailangan mo bang maging malungkot dahil wala kang kayakap at kahalikan sa daan?hmmnn..ang landi nga ng term..
Matagal kong pinag-isipan to, 3 oras mula ng pumasok ako dito sa opisina at dahil wala pa ang bossing kong mahilig mag-paturo sa friendster eto sideline muna sa blog dahil baka amagin na naman at hindi makapag-weekly post ng isang walang kwentang entry.
Matino naman ako magbigay ng payo sa mga matinong kausap ko, kaya wag na kayong magtataka kung lumaganap ang lahing “buhol ang utak sa mundo”,
TIPS NI TWISTED PARA HINDI MAGING MALUNGKOT ANG LABIDOO DAY NYO :
Hindi mo naman kailangan maging malungkot dahil nag-iisa ka sa araw na halos ang buong mundo ay nag-sasaya diba?hindi lang naman ang pagkakaroon ng ka-balentino o ka-balentina ang pwedeng kumumpleto ng buhay mo..malay mo hindi lang nila napapansin o talagang hindi sila ang dapat para sayo, antay-antay lang dahil isang araw lang naman yan may natitira ka pang 364 days..pero sa totoo lang MAINGGIT ka na..
Sabi nga ng lolo ko nagtatampo na kasi dahil hindi na-extra:
“ ang pag-ibig kusang dumadating, hindi mo man eto hanapin at hintayin dadapo at dadapo pa rin”
January 28, 2009
Emo-emohan na naman ako kagabi lintek naman, hindi ko na sana maalala ang lahat-lahat kung bakit kasi muli ka na naming nagparamdam, nakausap na naman kita sa telepono, at hindi ko na naman alam kung anong pag-babalatkayo na naman ang ipapakita ko sayo, napapagod na ako sa totoo lang.
Napapagod na akong itago ang lahat, ang iparinig ang masayang tinig ko, ang ipamukha na OKEY lang ako, nakakasawa ng magtago sa likod ng isang maskarang nakatawa. Ayoko na, ayoko na.
Ilang beses ba kitang dapat layuan?ilang beses ko bang aaminin na hindi ako nasasaktan?
Sa bawat pagtawa mo at pagkukuwento ng tungkol sa kanya, tila ba paulit-ulit mong pinupunit ang puso ko sa pagdurusa.
Hindi ko na kayang bilangin ang mga araw na gusto kitang yakapin at halikan, hindi ko na kaya..hindi na..
Heto ako nakatanaw na naman sa langit, parang tangang humihiling sa maningning na bituin
Kelan mo ba mapapansin ang puso kong humihiyaw sa iyong pag-tingin?
Pikit mata akong nanalangin na sana kahit paano makita mo rin na heto ako nag-hihintay, nangangarap na ikaw ay makapiling.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo sa balkonaheng eto,
tulala at unti-unti ng pumapatak ang luha ko, ang simpleng hikbi ay tuluyan ng nawala, iiyak na naman ako..iiyak na naman ako.
Hinayaan kong kumawala ang luhang matagal ng nagtatago, hindi na nakayanan ng mata ko ang bigat ng daloy nito, at sa bawat pag-agos ng tubig sa mata ko muli kong ibinulong sa hangin ang pag-ibig ko sayo..
February 1, 2009
Mahihirapan ako sa TAG na to dahil mukhang baliktad ata ang rules, kung 9 na kwentong barbero sana ang hinihingi malamang makikiusap pa ako na paabutin sa 20 ang listahang un..kaso 9 na totoo eh..anu ba..!!!ghe na nga minsan lang naman maging seryoso..
Tag rules: Magsabi ng (10) sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo. (9) Siyam dun ang totoo at (1) isa ang kwentong barbero.
yown natpos ko rin..sa wakas!!at pinapasa ko ang tag na to kanino?dito oh :
gmac , maria ligaya , kengkay , kulot , buyoy
February 11, 2009
Oo nga pala nandito ako sa Dubai, sa kabilang panig ng mundong malayo sa pamilya at mga kaibigan ko..isang lugar na hindi ko akalain na mararating ko..bakit?hindi kasi eto ang lugar na pinangarap kong mapuntahan para mag-trabaho, sabihin mo ng mababaw ang mga dahilan ko wala akong pakialam..dahilan mo ba to?hindi diba?
ang Midol east ay wala sa journal na ginawa ko noong hayskul ako he!he!he!meron akong mga bansang nilista noon na gusto kong puntahan at eto ang mga yun..
sa lahat ng yan halata namang nanaig ang kagustuhan ko sa mga chinese country noh?..ewan ko siguro nasa hibla lang ng buhok ko kasi ang pagiging tsinoy..at dahil dun hindi ako napag-bigyan sa mga un na makapag-trabaho o maiapak man lang ang paa ko sa lugar ng mga intsik..(mabuti pa sa binondo na nga lang ako)..
ang pag-kakapunta ko dito sa dubai ay isang regalo ni LORD, isang napakagandang regalo na kailangan kong tuklasin at e-explore para marating ko ang mga pangarap ko..hindi man ako sinuwerte sa mga lugar na gusto kong lakbayin, nagpapasalamat pa rin ako sa KANYA sa lahat ng to..ginawa nyang medium ang sobrang katabaan, kabaitan ng kaibigan ko..(mamoi techu, kiss sabay hugs..eeewwww)
may kanya-kanya tayong dahilan kung bakit umaalis tayo ng bansa..nakakaumay na ngang pakinggan ang iba dahil pare-pareho lang naman ang lahat ng yan..
ang makatulong sa pamilya at maiahon sa kahirapan, hinahanap ang sariling kapalaran(nag-tatago kasi)atbp..
pero ako hindi ko maitatanging dahilan to..
Masaya ako dahil nakalabas ako ng Pilipinas at may tatak na ang passport ko yipppeeee!!!
![]()
February 17, 2009
Nagising ako kaninang umaga na mabigat ang pakiramdam, tulad din ng mga umagang naranasan ko noong una..
ewan ko kung bakit?
ewan kung paano basta, mahirap ipaliwanag..
maari kayang pagod lang ako, dahil i’ve been working very hard this past few days, hindi ko na kayang pigain pa ang pilipit kong utak..
wala ng katas ng kaalaman at katinuan..
hindi ko magawa ang mga bagay na simple naman sanang gawin, nakakabagot, nakakairita at higit sa lahat “WALA ka”
Nakakapagod din palang maging ganito..gigising ka sa umaga, kakain at papasok sa trabaho.Pag hindi mo pa nagawa ng maayos, masisigawan ka pa ng hinayupak mong AMO, kung pwede nga lang sanang sumagot ng “IKAW kaya gumawa nito”..
Uuwe ka ng bahay, isang kwartong punong-puno ng kalungkutan..kasama ang sandamakmak na unan..
ayoko na mag-isip nakakapagod, nakakatuliro..sumasakit ang ulo ko.
marami kang tanong na hinahanapan ng kasagutan, at lagi mong ipinagdadasal na sana sa lawak ng mundong ginagalawan mo may isang tao na may pakialam sayo..
makakaintindi ng nararamdaman mo, ng takot
ng lungkot, ng tuwa, ng kalam ng sikmura mo..
nagising ako kaninang umaga na ayaw ng kausap,
gusto ko manahimik muna, mapag-isa at mag-muni-muni..
mabigat ang pakiramdam ko..OO
At ngayon kailangan ko ng matulog, paano kaya bukas pag-gising ko?
sana iba na ang pakiramdam ko, o baka..
ewan..mahirap..yun na yun..siguro..
miss lang kita..miss ko na TAYO.
February 17, 2009
Ayoko sanang gawin to dahil mabubuking ang tunay kong pagkatao na against sa kagustuhan ko..sa internet kasi tinitwist ko ang isip nyo..
para Ma-Iba lang
..GAME!!!!
COURT RULES :
A.) List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
1.)Laarni -dahil syempre yun ang tunay kong pangalan..(baklang-bakla)pag galit na si mudang at kung may iuutos na di ko sinunod.
2.)Larni -tawag sa akin ng boss ko dito sa UAE..at nakiki-gaya na rin mga ka-opisina ko.
3.) Aarni – tawag sa akin ng bulol kong friends sa elementary.
4.)Bstpwen– mag-bestfren daw kasi kami..(daw ha?)
5.) Nie – tawag sa akin ni bebang, lhon, rhiz, lyn, romie, at fhedz (close friends ko since college)
6.) Ning Praning/ twisted- tawag ng ate kong impakta at kuya kong impakto..pag magkakaaway kami..ngayon alam nyo na..matagal na akong may sayad..
7.) Intsik -dahil sa apelyido kong di ko malaman kung saan ang origin..(sama nyo na rin ang mata kong antukin)
8.) khzr – dahil dito ko ipinangalan ang motor ko, at dito ako nakilala sa karera..:) toinks..
9.) Kawaii– tawag sa akin ng japayuki kong kapitbahay(if i know nang-uuto lang para sa autograph)
10) Arnie-at ang last eto ang paborito ko at paborito ng TATAY ko na tawag sa akin he!he!he!
B) Tag ten others to do the same thing, paste the link of your entry on their guestbooks.
1.)payatot
2.) roni miranda
3.) bonistation
4.) burinj
5.) joycee
6.) joyo
7.) kengkay
8.) yanah
9.) maria_maligalig/bojoy
10.)flamedevil-mark
yown..!tapos na! sa totoo lang kulang pa nga eh..hindi sapat ang 10 lang dahil sobra ako ng isa..salamat sa nag-tag sa akin na si kuya RON CENTENO sakto naman na hindi pa ako nakakagawa ng entry..hanap na kayo ng matataya (^__^)/ ..TAG-TAGAN NA!


February 24, 2009
Naghahanap lang ako ng cd kahapon para ilipat ung ilang files na naipon sa maalikabok kong kompyuter..at oo tama dahil sa kahiligan ko sa music halos napuno na ang USB ko dun..2 piraso na 4 gigabayt na nga pero hindi pa rin talaga kasya..bago o luma, rock o labsong, depende sa mood ko…ang akala kong cd na blanko ay hindi pala..at syempre pinakialaman ko at inalam kong anong laman..nak ng teteng..nandito lang pala ang cd nmi JAMIE RIVERA na hinahanap ko bahay..tsk!ganun ba talaga pag masyado ng lowded ang utak?madami ng nakakaligtaan o senyales lang yan ng katandaan..wateber..
Back to cd..at dahil naeemote ako..mega patugtog naman ako, palibahasa wala ang bosing kong panot..salpak si headset sa tenga habang gumagawa ng report..haii namiss ko ang boses ni jamie.he!he!he!ung mga kantang halos kabaliwan ng ilang labers sa lugar namin at syempre muli ko na namang narinig ang kantang to..(hanap sa you tube)
paano mo nga ba sasabihin sa taong Mahal mo na MAHAL NA MAHAL mo sya?ano nga bang sapat na mga SALITA para malaman niya ang nararamdaman mo para sa kanya?
na ang bawat ngiti nya ay napapabilis ng tibok ng puso mo?na hindi mo malaman kung anong klaseng saya ang bumabalot sayo.
na ang dampi ng balat nya ay parang sumusunog sa mala-bakal mong pagkatao at nanghihina ka sa tuwing nandyan na sya..hindi ka makatanggi..wala kang magawa..
Paano mo sasabihin na ang bawat pag-simangot nya ay libong pag-aalala ang katumbas sa iyong isipan? at naghahanap ka ng paraan para ang kanyang mga ngiti ay muling masilayan..na ang bawat pagluha nya ay katumbas ng iyong kamatayan, na kung pwede nga lang na hatakin mo sya at ikulong sa iyong mga bisig..wag pakawalan at di na muling hahayaang masaktan..
Paano mo sasabihin..paano mo sisimulan..
kung ang pagtingin nya sa iyo’y KAIBIGAN lang?
habang pinapakinggan ko ang kantang to, naisip ko tama na siguro ang emo, panahon na para talikuran ang lahat, ibaon sa limot dahil ang lahat ay hanggang doon lang..
hanggang PANGARAP na lang..
February 19, 2009
Hindi ko na pwedeng ibalik ang nakaraan, ung time na nandito ka sa tabi ko at nagbibigay ng lakas sa akin kapag nanghihina na ako, na makakausap ka sa simpleng paraan na mawawala ang aking mga problema, na sa bawat tapik mo sa aking balikat tila sinasabi mo na nandyan ka lang at wag akong matakot harapin ang lahat..
Aaminin ko namimiss na kita, lalo na ngayon heto ako nag-iisa, hinahanap ko ang mapang-unawa mong mga mata, ang mga bisig mo na punong-puno ng pagkalinga, ang mga yakap mo na nagbibigay ng kapayapaan sa aking isipan. Ang mga payong hindi ko magawang kalimutan..
Ang mga mapang-asar mong kalokohan, ang mga hirit mo sa kantahan, ang pagsasayaw natin tuwing may okasyon , ang sabay nating pag-sisindi ng paputok tuwing sasapit ang bagong taon, ang magkasama nating pag-momotor tuwing hapon, ang pandaraya mo sa akin sa chess, ang pag-gising mo sa akin tuwing birthday ko, at syempre pa may kasamang regalo..
Sana nanatili na lang ganun, walang umaalis, walang nang-iiwan..
walang iwanan.
Pero tama ka, walang permanente sa mundo, lahat ay hiram lang, lahat ay lumilipas, lahat may katapusan, lahat may hangganan, at maaring sa isang kisap-mata lang mawawala na ang lahat..
Natatandaan ko pa noon ang huling yakap mo, yakap na mahigpit, isang yakap na hindi ko akalain na magiging huli at mula noon hindi na kita nakausap, ni hindi mo ako hinintay..madaya ka..
Salamat sa lahat ng ito, sa pagturo ng magagandang bagay, sa buhay na binigay mo, at sa mga kasiyahang maaari kong balikan anumang oras..at sa walang hanggan mong pagmamahal..sa isang regalo..
Salamat sa regalong hindi kayang pantayan ng anumang bagay dito sa mundo.
At ngayon kaarawan mo, sana’y makarating sa langit ang simpleng regalo ko, ang simpleng pagbati na galing sa puso ko..
MALIGAYANG KAARAWAN MANG BERT..
ANAK,KAIBIGAN, KAPATID, MAGULANG..

Happy Birthday(^__^)/
MALIGAYANG KAARAWAN DADDY..I LOVE YOU!
March 3, 2009
Macoy and I went to E-max last night, wala lang nag-uubos ng oras dahil walang magawa at hindi na naman ako pumasok sa part time..(watta sipag is me..model employee of the month nga eh..)nag-sight-seeing lang kami sa nag-gagandahang latest model ng mga telebisyon at ang makatulong laway na mga gadgets..(poor us)matagal pa bago kami makabili nun! at wala akong balak bumili kailangan yatang doble higpit ng sinturon at kung pwede nga lang i-lock ang bulsa at itapon sa dagat ang susi(parang titanic lang ah)para makatipid, malamang ginawa na namin..
Paikot ikot lang kami ni macoy habang inaantay ang 8:30 dahil susunduin pa namin ang love of his life na si mamoy..ayiiiiihhhh
Napansin ko lang mangilan-ngilan na lang ang nag-pupunta sa mall kahit pa sabihin SALE ang mga items na nandoon..ang iba namimili..at ang karamihan ay tulad din naming na patingin-tingin, nag-iisip at tila nag-kukwenta sa utak, ang iba naman nag-papalamig lang, at ang iba sadyang tumabi muna dahil masyadong maalikabok sa labas ni hindi na tinapunan ng pansin ang karatulang 70% off ..

eh mall, err max
haii ober ng krisis noh?ang jologs..sobrang kataka-taka ata ang nangyayari sa mundo..mantakin mong buong mundo ang tinamaan, eh nasan ang pera ng mga tao?nilamon ba o sinunog ng mayayamang gahaman o baka ginawa namang balat ng sigarilyo..sosyal!
ah EWAN!
ang alam ko lang kailangan mag-tulungan ang bawat isa para masulosyunan ang ganitong klase ng problema, kung madaming isip ang gagana at kung wala lang sakim sa kapangyarihan at pera hindi aabot sa ganito ang lahat, wala sanang magugutom, wala sanang gyera..Mundo NATIN to, hindi lang NILA..
At hindi ko lang maiwasang malungkot kung sana..
sana..
alam kong imposible ang sinasabi ko, dahil isa lang ako sa bilyong tao sa mundo na hindi kayang pakinggan ng mga DEMONYO sa gobyerno!
Sinasabi ko lang to dahil hindi ko nabili ang gusto..at syempre joke un..NOT!.. JOKE..
March 10, 2009
Breyk muna sa umaatikabong workey workey na yan, it’s time to have some fun, enjoy and embrace the gift of nature..packed up! 2 days ulit ang binigay sa amin na bakasyon yeheeey..hindi naman masama mag feeling mayaman muna noh?minsan lang naman, papakasosyal muna.. Invade muna namin ang hotel ng angkan ng sikat na brat sa mundo, ilang araw bago naming maranasan ang bakasyon na to, kandahirap na maghanap ng hotel booking, gusto sana namin na sa MIRAMAR AL AQAH RESORT sa bandang Fujairah kami mag-check in ang kaso mo..WALA NA!fully booked na..haiii..so ang kinabagsakan naming dito oh Hilton..

3 flags
Ok, 2 pm ang check in namin, 1 hour travel time from sharjah to ras al khaimah, hindi masama dahil hindi naman na trapik dun, at hindi naman ako maboboring dahil dun ako sa sasakyan nila ate cathy sasakay, sounds kung sounds eh, trip ko din naman ang mga music..un nga lang sabog na naman ang eardrum ko nyahahaha..habang daan napansin ko ang magilan-ngilang camel sa paligid na nanginginain ng mga damong ligaw, ang tila bundok ng tskolate habang papalubog ang arw, ang GANDAAAAAHHH..kakaiba talaga ang taglay ng kalikasan, hindi maitatangi..
Nandito na kami!!sa wakas,derecho na sa kanya-kanyang kwarto..
5 pm, tumawag si ate cathy na bumaba na kami at kami ay sasakay sa hotel bus papuntang beach area..
Hindi pa pala tapos ang winter sonata,dahil ang lamig ng tubig, mapa-pool o beach..kaya dito na lang kami tumambay..

tambay muna
ilang minuto lang kailangan na naming bumalik sa hotel, dun na lang daw sila mag-sisiligo..Hindi naman ung swimming ang inaabangan ko kundi ang PAGKAIN!!halata bang gutom ako? parang eat till u drop..hindi ba shop un?wateber..ang sarap ng food nila!yummmmiiiieee..Sensya walang pics ng pagkain..kahiya kasi ako lang gagawa nun!tsk
madami pang nangyari ng 1st day namin nakakatamad ng magkwento at humahaba ang blog ko, bwahaha..
so DAY 2 na tayo! Maaga kaming nagising dahil magchechek-out na kami ng 3 pm, so taralets swimming na sa beach!..
wala ako halos nakitang nakatalukbong sa lugar na un halos lahat kasi mga puti ang nasa beach area, at at kami lang ang pinoy(sa pagkakaalam ko) sayang wala akong ipapakita bwahaha..lololz..naglaro kami ng volleyball at syempre the mighty butandings ang nanalo..nyahaha wak na kayong magtanong kung sino ang mga un!sasaktan ko kayo eh..
gusto sana naming i-try ung sports ni AGA ung wakeboarding ba un ah basta ung para ka ng susurfing he!he!yown un!..eh kaso mo sira ang speedboat kaya sa buhangin na lang kami ng wake-wake na yan..

sand boarding na lang
humihingi ako ng paumanhin kung panget ang mga litratong nakikita nyo..panget din kasi ang kumuha..bwahahaha..

parang WH lang eh noh?

takip-silim

a walk to remember?
yan ung mga napagkatuwaan kong kunan.sana may part 2 ang trip na to, pero matagal tagal pa ulit ang aming pag-aantay..7 buwan pa..haiii..
relaks relaks lang muna, dahil bukas seryosong TRABAHO na!(^__^)/
March 15, 2009
Pampadami din ng hits to at ang mga nakakatuwang komento, nakakahiya kasi kay maria maligaya at joycee kung hindi ko na naman gagawin ang mga simpleng lambing na tulad nito..simple lang naman ang mga kondisyones..
Gumawa lang kayo ng Post abawt sa mga nasakyan nyong Broom Broom, at mag kwento kung anong mga karanasan nyo sa mga nasakyan nyo.
-Motor-
Bata pa ako noon eh naisasakay na ako ng tatay ko sa motor na yan, at minsan eh ako pa ang nakahawak sa manibela, hindi mo ako mapapababa sa motor hanggat hindi mo ako binibilhan ng ICE CREAM o ICE CANDY sa kanto. Kaya lagi kami nag-uunahan ng ate ko sa pag angkas dahil lagi kaming pinapasyal pagkatapos ng trabaho ng tatay ko. Madami akong karanasan sa motor na yan, ilang beses din akong napalo sa pwet dahil lagi kong hinihiram ang motor ng kapit-bahay namin o di naman kaya nakikita akong naka-angkas sa motor ng barkada kong lalaki na si jim..
ilang beses na rin akong natumba at nagasgas ang binti at ang pinaka-worst eh ung peklat ko sa hita dahil sa isang aksidente noong hayskul ako.
hindi ko alam pero tila may magnet ang motor sa akin dahil kahit iparada mo pa ang magagarang sasakyan sa harapan ko MOTOR pa rin ang mahal ko, kaya eto ang binili ko nung mag-kapera ako, kahit na ba sabihing delikado at walang laban..iba pa rin kasi talaga ang pakiramdam kung hawak mo ang manibela at ramdam mo ang hangin na yumayakap sayo, para kang ibon na nakikipaglaro sa ihip ng hangin..
Nasita na rin ako ng pulis dahil nag-drive akong walang lisensya, buti na lang nandun ang isang barkada ko..(lakas..).este .LUSOT!ha!ha!ha!

bata pa lang rider na..eto si khzr kasama ang pamangkin ko
-TRAK/ BULDOSER/PISON-
Dahil pasaway akong anak lagi akong nakabuntot sa tatay ko hanggang sa trabaho, minsan na sinama nya ako sumakay kami ng kuya ko sa BULDOSER na yan..nasa gilid lang naman ako at nakaupo, tinatanggal ko ang mga damong sumasabit sa salamin, biglang dumulas ang paa ko at ako’y nahulog, totoo ngang may ANGEL na nagbabantay sa atin dahil isang hakbang na lang eh mapipisa na ako, pero kusang tumigil ang traktor, imbes na magalit ang nanay ko at ako ang paluin..ung tatay ko ang napalo, nag-iwan un ng marka sa aking katawan..pero di ko sasabihin kung saan..
-Kuliglig-
Alamo ba ung sasakyang kuliglig ?, isa etong traktor na itsurang hayop na kuliglig kaya kuliglig..ang tawag ok malabo ang paliwanag tignan nyo na lang sa google ang pics..eto ung ginagamit sa bukid, malapit lang kasi ang bukid at ilog sa lugar namain at kung mag-kayayaan kaming mag-kakababata eh nakikisakay kami kay attorney pascual(bigatin ng pangalan noh), Masaya sumakay sa kuliglig lalo na kung tag-ani at punong-puno un ng SINGKAMAS,MANGGA, SANTOL,KAMOTE, KASOY o PAKWAN dahil habang daan eh un ang tinitira namin..hindi na namin kailangan pang magdala ng baon nun!
-BUS/KOTSE/JEEP/TRICYCLE-
Ordinaryong sasakyan na lang halos ang mga to na karaniwan na nating nasasakyan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
ung victory bus ang sinasakyan ko kung luluwas ako ng manila ng madaling araw galing ng olongapo, ung jeep naman kung papunta ako ng SBMA para mag-report..
maliban sa karera ng mga xrm..masaya lang naman sa amin dahil lagi akong nakakanood ng karera ng mga traysikel na yan,naranasan ko rin na hinabol kami ng pulis dahil sa kapapanood at tulad ng dati LUSOT ulit!..
mula ng napadpad ako dito sa gitnang silangan eh eksayted na ulit akong sumakay ng jeep o tricycle ha!ha!ha!
Ang daming kwento sana pero hanggang dyan na lang muna..
ETO nga pala ang KWENTONG BROOOOM BROOOM ko..(^__^)/
March 14, 2009
An ordinary Tuesday afternoon for me, boring na boring sa maghapon kahit madaming ginagawa, daily routine makes me sick..demmet! I want something na gusto kong gawin eh yung kakaiba naman at hindi ako aantukin, natapos na lang ang working period ko, at kababasa sa mga balita pero wala pa ring nangyari, ang kapatid ko na inaantay ko ang tawag hindi rin tumawag, haiii..i went home na walang gana, masakit ang buong katawan ko at nakakapagod mag-isip ng mga problema,
tae!mayroon bang isang tao sa mundo na katulad ko?gusto ng kausap pero wala namang makausap..ung pwede kang pakinggan ng hindi ka i-jujudge base sa itsura mo..ung handang tapikin ka sa balikat at ayain na TARA..pahangin tayo..
when finally I got home, bihis pambahay at derecho sa kusina para magluto ng dinner at pambaon na rin kinabukasan, usually iniiwan ko lang ung phone ko sa ibabaw ng table, 1 hr lang kasi ang natitira dahil papasok na naman ako sa part time, done cooking and doon ako sa loob ng kwarto kumakain dahil nanonood ako ng EAT BULAGA, umiilaw ang mobile ko ngayon ko lang napansin un pala may “unknown sender”ako..ha!ha!ha!and totoo nasorpresa talaga ako, !errr..NOT..really (unsyerrr)
Out of the blue,(red white and yellow, pinoy PRIDE!)she texted me, amff..di ko talaga ekspekted na may isang MUMU na magtetext sa akin, inviting us(maria ligaya), tamad ako magtext eh, so tinawagan ko,hell!na-shocked ata sa boses bakla ko ha!ha!ha!am mumu kakambal ko un or recordable voice ng sister ko lang ung kausap mo..lolz!
Aba tama nga ata ang homorskop ko for the day ah..hmmnn..echos!lols
ano nga ba yun?!amnesia..
lokong texting ang ginawa ko..ayoko kasi matakot ako SYA, sa akin..amff..and ayun inayos ang schedule..absent ako sa PT..
sa madaling salita THURSDAY na..hohoho..tinext ko si jean para ilibre ako sa mcdo..bwahahaha..nagtext para magpalibre..dito oh ..

frapoloco
teka hindi lang pala ako un, pati di ligaya..3 frenchies ng MCDO bwahahaha..tinawagan ko din si joyo kala ko kasi nasa diera pa sya eh..
si mix skaterboi ang dating..sya ang sumundo sa akin sa harap ng DNATA..a warm welcome to us!!yeeeeeh

mga naglaslas ng frenchies
Di naman pala nakakatakot ang MUMU, mabait naman pala siya at totoong maganda..kesa sa mga nag fefeeling HOOMANS sa tabi-tabi..
kulitan at tawanan lang kami ng tawanan sa roof top, at kung paano mag pusoy dos sa frenchies syempre hindi naman pwede un diba?korniks.
salamat nga pala sa isang gabing yun..at napatunayan ko na may MIX at MUMU na nag-eexist, hindi lang mix-mixsan at mumu-mumuan ahehehe..
at ang paghatid sa akin sa bus station (^__^)/
ang galing mag-drive ni mumu pwedeng isali sa F1, hi!hi!hi!
kabado ako baka mapalo sa pwet pag umaga na umuwe.
para sayo..kaibigan? ikaw?pwedeeeehh..
ang pagiging lagalag mo sa cyberspace ang isang patunay na hindi ito nalalayo sa tunay na buhay mo, na sa mundong to iba’t-ibang karakter ang makikilala mo, ang makikita mo, ang pwede mong ipakita, maaring ma-judge ka at mahalin ka..mabibilang lang sa daliri ang TAONG pwede mong pagkatiwalaan,maaring lokohin ka at maaring makahanap ka ng mga tunay kaibigan..
March 23, 2009
Thanks to emilayskie for this award, medyo naluha-luha pa ako sa lagay nato at hindi halos makapaniwala na makakatanggap ako ng ganitong klaseng award, kahit na medyo lito ako kung bakit ako..teka bakit ako nalilito?san?kelan?at biro lang..
Tats na tats ako grabee to da max..salamat salamat at may nag-appreciate ng mga walang kabuluhan kong kwento sa blogosperya..nawa’y magbasa lang kayo ng makasakay naman kayo sa byahe ko at maging parte ng pagpatay ko sa boring na buhay ng isang OFW..
Ngayon ko lang naisip may matinong side din pala ako..(left or right?)..ahihihi
Hindi ba parang unfair kasi sisterhood lang?paano naman ung makiki-sister?pero sige un ang rules eh..
Hindi ko kaya ang sampu dahil baka may mag-tampo..kung sino ang mga girls sa blogroll ko dun ko to pinapasa..

sisterhood-award
March 20, 2009
Kaliwa’t-kanan na naman ang mga okasyon ngayong nasa kalagitnaan na tayo ng marso..ang walang humpay na pagtugtog ng mga graduation songs na kadalasang naririnig ko sa kalye noong ako’y nasa pinas pa..malapit lang kasi ang eskwelahan sa aming lugar.
dati rati ako ang hindi nawawala sa mga ganyang okasyon, madalas akong isama noon ng tita ko kung saan ako lumaki, kailangang present ako sa mga ganyan?bakit?dahil ako ang dakilang taga-kuha ng mga litrato..
gustong-gusto kong yung kuha na sinasabitan ng medalya.. ibang klase kasi ang pakiramdam nun eh, feeling ko ang galing-galing nya dahil ilang utak ang natalo at napabagsak nya, nagbunga ang pag-susunog nya ng kilay na minsan inaabot pa ng madaling araw bilang paghahanda sa nalalapit na exam..
congrats sa inyo..
at congrats sa mga magulang, kapatid, kaibigan at mga guro na walang sawang umalalay sa mga yan para makamit ang araw na to..
tongrats sayo brod, nakalagpas ka na sa 4 na taon ng hayskul ng hindi naliligaw ang landas, proud kami sayo at hindi mo kami binigo
sana mag-tuloy-tuloy yan hanggang kolehiyo..
makakakotong ka na naman sa akin at yun eh ayos lang dahil deserving kang bigyan..

tulad ko na wala ngayon dyan para makiselebra sa araw na to alam kong proud din sayo si papa..make us more proud bro..
isang pagtatapos at isang panimula..pag-pasok mo ng kolehiyo ibang pakikibaka na naman ang tatahakin mo, at lagi lang kaming nandito para sayo..
at sa akin?1 down..2 to go..goodluck to us.. love you brod!
March 26, 2009
Noong martes nagkaroon kami ng di seryosong usapan ni toyz about this t-shirt, katuwaan lang naman un ng mga walang magawa sa opisina habang nag-aantay ng oras ng uwian, bah mahirap din naman ang tinatrabaho naming mga nasa ibang bansa..hindi biro ang papeteks-peteks at tumunganga..pero syempre bago ka tumunganga dapat tapos na ang mga trabahong nasa harapan mo, pakitang gilas kay boss para makatanggap ng bonus at hindi termination letter ang iaabot sayo..so un na!
nagkaroon lang naman ako ng ideya tungkol sa pagiging adik ng mga pinoy sa isang social networking, isa sa mga nakakahumaling na tambayan na gumagala ngayon sa internet..at sya ring pamatay sa boring layp ng ofw bukod syempre sa BLOG BLOG BLOG..
mahilig ako sa t-shirts lalo na ung may pagka-rasta, mga tribal, vintage basta kahit anong shirt na nga lang na magagandahan ako, kung may malapit-lapit lang nga na store malamang suki ako dun he!he!he!
so ito na ung t-shurt na pinagkakaguluhan namin..pasensya na po kung may dotted lines na makikita wala akong adobe ngayon, special thanks to chaweeh bagong ka-tsikahan sa kalokohan..
update ko na lang to..pauwe nako hahahaha!
March 30, 2009
Maagang nag-ring-ring ang aking telepono na ang ringtone eh beautiful ni AKON na paboritong pakinggan ng kasama kong PANADOLIKS na si HEGAZY..paborito daw nya si AKON..wag na kayong magtanong kung bakit dahil hindi ko rin alam..
ang sosyal na talaga ni maria dot com dahil tinawag pa nya ang kanyang TAG na to na galing kay BLUGUY na pinasa din sa akin ni MUMUSAKANTO sabagay bihira ako makapag-blog hop ngayon dahil may inaasikaso akong negosyo daw..simple lang naman to kaya madalian na..
Ito ang mga dapat gawin sa Tag na to:
1. write down who tagged you
2. Answer these:
- your name/username/pseudo name
- right handed or left-handed
-your favorite letters to write
- your least favorite letters to write
- write the classic…”The quick brown fox jumps over the lazy dog..”

sulat kamay ko
Dapat dito kay Maria_ligaya dot com..eh TAG Queen ang ibigay na AWARD..
Naalala ko ung ka-work ko dati sa pinas na si badette na nasa abu dhabi din ngayon..way back 2004..
tungkol sa sulat kamay na yan sinabi nya sa akin na may koneksyon daw ang mga un sa personality ng isang tao..ewan ko kung totoo..bawat alpabeto, bawat anggulo may paliwanag..
maarte ako magsulat pero hindi ako maarte..jologs na kung jologs eh ano ngayon?..
Pinapasa ko ang TAG na to kay :
JOYO, JOYCEE, EMILAYSKIE, KUYA PAYAT, LADYINADVANCE at MOKONG..
gawin nyo na lang kung kelan kayo may TIME dahil alam kong bisi din daw kayo kunyari..
April 3, 2009
From Petshop to Um Al Quwain birthday bash..
anong koneksyon?wala..trip trip lang..
Huwebes ng hapon habang nanonood ng balita sa ka-puso, tinawagan ako ni macoy na samahan sya mamili ng handa ni sami, 15 na manok na gagawing chicken bbq, 4 na kilong hipon, at 4 na kilong baka..so go lets na..bihis na arangkada dahil kami ay lalarga pa sa UM AL QUWAIN..
Pag dating namin sa manokan madami ng tao..may mga nagtatawag ng kustomer na parang barker ang dating tulad ng sa jeep o bus, sa kaliwang bahagi makikita un at sa kanang bahagi naman ung mga pet shop..
kinausap ko ung tindero kung pwede ko piktyuran ung parrot nakakaaliw kasi ang kulay nya..buti naman at pumayag..
madami pa akong nakita dun..ung bagong anak na loro, iba’t-ibang klaseng ibon, isda at mga rabbit..
un nga lang kailangan na namin umuwe dahil magluluto pa sila ng handa..
alas 9 na ng gabi kami nagbyahe papuntang UM AL QUWAIN ang ika-5 emarat ng UAE, nag-rent sila ng villa at dun sabog na naman ang tenga dahil ang lakas ng sounds, ganun pala sumayaw ang mga arabic, ang daming tao at ang sarap ng food, may mga gate crasher din pala silang nalalaman dahil 3 naka-balot ang pumunta at nakiinom ng vodka..
Alas-4 na kami umuwe at nagkaroon pa ng eksena..over loading kami 6 kami sa sasakyan, hindi namin alam na may check point pala palabas ng um al quwain, malayo pa lang kita na namin ung mga pinaparang mga sasakyan at may mga pulis..kabado kami syempre dahil baka makuha ang lisensya ni mamoy..amfff..
good morning ang bati nung mamang pulis, license ang registration please..medyo pigil ang hinga dahil hindi pa naman yumuyuko para tsekin kung ilan kaming sakay..akala namin tapos na eh sumilip..PATAY!!! binilang kami..after ng ilang segundo pinasibat na din kami..haaay..buti naman di nakuha ang lisensya at walang tiket na binigay para sa violation..LUSOT na naman..pero di na kami uulit..mahirap na..
pagdating ng bahay..bangag na bangag na ako..pagkatapos maligo plakda agad sa kama..ilang minuto pa naghihilik na sila..jowk!
April 8, 2009
ilang buwan ang hinintay ko para makita at maramdaman kung ano ba feeling na kasama mo ung mga sikat at kahit hindi man aminin ninais mong mapabilang sa isang panibagong yugto..pagbabago at mga bago sa paningin mo..
ang saya-saya siguro dun naisip ko, pero lubhang mailap sa akin ang swerte..bakit sila parang andali lang nila makuha ang gusto nila?samantalang ako heto gawa ng gawa, ilang oras akong nagbababad sa monitor para lang mapansin mo, pero wala..
wala pa rin..
kulang pa ba?
sabihin mo!!!
masakit mabigo, nakakawalang gana..
nakakatamad..nakakaantok!
nakakainip mag-antay!
kelan!!kelan!!punyemas ka PLURK BUDDY!! lamo un! kill joy ka eh..hindi ko mapost ang entry ko ngayong linggo dahil sau!..paano na ang litratong eto..amfff..

-kj si PB eh-
pagbalik mo galing AMSTERDAM susugurin kita…tatadtarin ng pinong pino!!paduduguin ang ilong mo..!
paduduguin ng pasasalamat dahil sayo madami akong nakita at nakilala sa loob at labas ng opisinang ito, mapa-nirvana man o infinity..o kahit ung mga tulad ko din noong nagsisimula..nagsisimulang maging adik..
mag-aantay na lang ako marahil hindi pa eto ang tamang panahon..
gusto ko pasalamatan si issey dahil binigyan nya ako ng idea dito ahaha..
__end__
April 11, 2009
Ilang minuto na lang matatapos na rin ang duty ko,makakauwe na rin ako sa bahay pagkatapos ng maghapong pakikipaglokohan sa aming kumpanya at eto sa boss sa part time kung nasaan ako ngayon..
hindi ko alam pero sa tuwing matatapos ang isang araw ay natutuwa ako, na para bang..
“uy isang araw na naman ang natapos, isang araw na naman sa buhay ko ang nagbigay ng panibagong nakaraan..bukas bagong kwento na naman ang pwede kong maranasan at aabangan”
aaminin ko medyo iba ang tingin ko sa BUHAY..
masyadong Masaya na kumplekado eto para sa akin..
habang naglalakbay ako dito sa mundo, hindi ako manghihinayang na tuklasin ang bawat kaluluwang nasasalubong at nakikilala ko, wala lang takutan ha?
hindi ko naman sinasarado ang posibilidad na kilalanin nila ako at ganun din ako sa kanila.. nakakatuwa nga kasi madami na rin akong nakilala dahil sa patuloy kong paglalakad at pagtuklas ..sa patuloy kong pagsayaw sa saliw ng buhay madami akong natutunan, mga aral na hindi ko nakita sa loob ng bahay at eskwelahan..
eto na ung totoong eksam eh..
wala ng atrasan maghihintay ka na lang ng resulta..
madadapa ka, magkakamali, matitisod, masasaktan NGAYON..
pero may tinatawag naman tayong BUKAS..
ibig sabihin may BAGO..
tulad ng blog ko, ngayon bago bukas luma..
dahil bukas maaring may bago..
pero ang hindi bago ung gutom ko, takte anong petsa na!!!
__END__
April 18, 2009
Isang taon ko rin halos hinintay ang araw na to..365 days as in walang day-off para isipin ko na sana makumpleto na sila at para maging masaya na..
sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kong ang minsang pinangarap mo eh makukumpleto at magkikita-kita?lahat naman tayo un ang gusto diba?kahit gaano pa yan katagal basta matyaga ka lang mag-antay at may naitatago kang mga ebidensya para ang isang bagay ay hindi nakakaligtaan, hindi uso ang memory gap o selective memory na tinatawag..haii..at sa huli..
(hanap ng plaka sabay patugtog)

AKO ANG NAGWAGI 

teka ano bang pinagsasabi ko?
eto lang naman un eh..

metallic version
ang kabibiling skullcandy headset na inantay ko ng isang taon bilang kabayaran sa lahat ng kagaguhang pinag-gagawa ko sa isang website..
ahmm..wag nyo ng alamin kung sino un dahil malamang mag-cocoment din un eh..nahiya nga daw ako kasi biglang nagmahal..diba pale?ikaw ang testigo dun!hinablot lang sa akin un bigla at deretso na sa cashier..

ang premyo ko (^__^)
at oo nga pala salamat naman jean at nauntog ka na..he!he!he!ikaw kasi eh nikipaglaban ka pa noon sa akin ayan tuloy natalo ka sa pustahan..kaya WAK KA NA!
seryoso SALAMAT..
ahm..may ano pa dun T.I na version , ano pustahan ulit? makakapag-antay pako kahit next year di ba pale..?
April 21, 2009
Masaya ako sa work ko, hindi naman kasi ganun kahigpit ang boss ko dito sa opisina, malaya kang magkakakanta at magsasayaw kung gusto mo wala syang pakialam kahit ano pang ka-wirduhan ang gawin mo basta hindi mo lang napapabayaan ang trabaho na binigay nya sayo..
OO nga pala hindi konektado ang kursong tinapos ko sa trabaho ko ngayon, sobrang layo..kumbaga sa mga kable ng kuryente..illegal na na-tap o ung tinatawag na JUMPER..nagkataon lang na may konti akong nalalaman..konti lang as in konting kaseryosohan na nagtatago sa aking kamalayan..
na-eenjoy ko talaga dito dahil araw-araw may bago akong natututunan, mga techy techy daw na ginagamit halos ng mga enhinyero at arkitekto sa pagbuo ng nagtataasang bilding dito sa dubai, minsan pag hindi bisi ang mag bubwit nagpapaturo ako.
kahit tambak ang mga kableng dapat kong pag-puputulin, ang pag-mamap sa sahig ng opisina at pag-lilinis ng mga kabinet.. nakukuha ko pa ring makipag-lamyerda sa mga katulad kong alang magawa, hindi naman kasi talaga mahirap..napagsasabay kong gawin ang trabaho at pagkikipag lokohan sa net..pwede rin akong seryoso minsan na parang vendor machine na kailangang hulugan ng barya ah wala? share a load na lang? wala pa rin?pagkain?mas lalong wala?..OK WAK KA NA!
At ngayon nga, 2 linggo na halos etong nararamdaman ko, kinatatamaran ang lahat ng bagay na dati ko namang ginagawa, hindi dahil sa ayaw ko ng magtrabaho ha?na over ata ako sa..over sa gala.. jowk! tinanong ako ni boss kung okey lang daw ako..so ako mega drama..
i’m not feeling well sir, sagot ko sa kanya..sabay palungkot sa mukhang ewan..nakita ko biglang na-drawing ang mukhang pag-alala..tropa kami nun eh..nalibre ko na kasi un sa shawarmahan ehehe..
aktwali..
na-totoxic ako sa amoy paa na engineer namin, na-iistress ako sa bagong bigay ni boss na aralin, pinilit kong intindihin pero walang nangyari..na-forward ko na nga yun sa iba baka sakaling maintindihan nila..
kailangan kong mag-drama ngayon ng matindi, ung pang OSCAR AWARDS..mala-slumdog millionaire bwahahaha..pang hakot ng tropeo at eto nga binigyan ako ng LEAVE..
pagod lang ako..dami kasing bubuyog na ayaw ma-trap
April 24, 2009
Na-awardan ako ni canky ng isang malupit na Tag..
ung nakaka-jirits daw un eh..hindi naman ako madaling maasar kasi mahilig din naman akong mang-asar kaya amanos na lang kumbaga patibayan na lang ng pasensya pero pag bumingo ka sa akin aba eh kahit madaldal ka ng madaldal sa harapan ko at magtalsikan ang laway mo sa kahit saang kanto..hindi kita kakausapin!mas mabuti na yun kesa makipag-orocan ako sayo..
hindi kasi ako sinanay para dyan..
baka ikaw SANAY KA!
wenu ngayon??
-15 THINGS -
1. Ayoko ang amoy dito sa opisina lalo na yung galing sila labas at tipong ginagawang dryer ang FAN ng aircon..halos masuka-suka ka na kapipigil sa paghinga at panay ang takbo mo sa cr. Tapos tatanungin ka pa na ARE YOU OK?
OK YER FEIZ!!
2. Ayokong nawawala ang paborito kong ballpen, naiirita ako pag wala un sa teybol ko at makikita ko sa teybol ng iba..parang gusto kong drawingan ang pagmumukha nya at punuin ng tinta.
3. Ayokong nag-uusap sa harapan ng mesa ko ang dalawang patani na akala mo isa akong reporter na nagsusulat ng balita sa telebisyon, haler!di ko kayo maintindihan! Humanap naman kayo ng lugar para dun magtalsikan ang mga laway nyo noh!
4. Naiinis akong basahin ang blog na puro yabang at papuri sa sarili nya, lalo na yung kada isang talata eh nagmumura..hoy!hindi lang ikaw ang marunong magmura..
pakyu!
5. Naiinis ako sa mga taong mahilig mambintang ng mga anik-anik ..yung tipong wala ka lang sinabi at nanahimik ka dahil ang totoo eh wala ka naman talagang karapatan na magsalita dahil hindi mo alam ang totoong drama eh sasabihan ka ng plastik!huy!magsalamin ka nga muna baka ikaw ang PLASTIK!
6. Ayoko sa taong maarte, na akala mo sila lang yung marunong gumamit ng kutsara at tinidor..
7. Naiinis ako sa mga taong EWAN kausap. Ung tipong iistorbohin ka sa pag-mumuni-muni mo at gagambalain ang tahimik mong mundo, tapos bigla kang tatarantahin na para bang kulang na lang 911 ang tawagan mo..
sheyt ka!
8. Naiinis ako sa taong pala-utos at nag-mamaganda/nagmamapogi..yun bang puro yabang lang ang alam pero WALA NAMAN!
9. ayoko sa taong mahilig mang-gamit ng kaibigan, madali lang kasi akong makaramdam ng ganun, hindi nga lang halata, pero LOGIC lang naman yan, at once na makumpirma ko na..
GO TO HELL..
10. Ayokong nililigpitan ako ng mga plato..hindi porke’t tapos ka ng kumain eh pwede ka ng mambastos..
11. Ayos lang sa akin ang UMEPAL, hindi ko naman papansinin ang mga yun lalo na kung ang tema ay biruan, pero pag tungkol na sa personal kong buhay..
SUNTUKAN na lang!
12. hindi ko gusto yung mga taong nag-suot-suot ang shades sa gabi..na animo nakatutok sa pagmumukha nya ang liwanag buwan.
13. Ayokong pinakikialam ang style ng buhok ko, wenu ngayon kung sabog sabog..
pasabugin mo din ang buhok mo..
14. Naiinis ako sa taong ang daming burluloy sa katawan tapos nag-kakalansingan sa tuwing kikilos..para bang laging nangangaroling eh..
15. Aapela ka pa? Oh wag ka na!
Ayan lang naman un!medyo seryoso ang iba dyan ha?as in medyo lang hanapin nyo na lang kung saan dyan..
At canky..salamat sa TAG..ayan di ka na magtatampo
san ko to ipapasa?
April 25, 2009
Kagabi tumambay ako kasama ang mga SIKAT..
Tulad ng sabi ni rihanna, Take a bow muna sa pagiging ringtone ko sa celpone ang mga hiphop at RNB..dahil kailangan munang maging SUPERHUMAN ng inyong lingkod at bumalik sa nakaraan, SOUNDTRIP..
ang UNSTOPPABLE na boses ni lil wayne kaka-remix kung kani-kanino ay kailangan munang ma-stop..dahil kailangan ko munang bigyan ng LITTLE SPACE tulad ng sabi ni neyo ang mga new wave na kanta..hindi naman siguro sila magiging MAD diba?..
sabi nga ni akon BEAUTIFUL daw ang mga kantang un, kausap ko lang sya sa kanto kagabi at tila nag-huhurumentado na naman ang boses nya na para bang sinasabi nya sa akin na RIGHT NANANA..on the spot makakabuo sya ng kanta..hmmmn..tpos nagtext sa akin si goo goo dolls, at pinapasabi nya na sabihin ko kay akon na ipasa na nya eto BEFORE IT’S TOO LATE..tila naman nasa HEAVEN etong si daville habang kausap ang kanyang jowa sa telepono at lagi nyang sinasabi na “YOU’RE ALWAYS ON MY MIND”..ang astig diba?
Kasalukuyan kaming nagkwe-kwentuhan ng biglang mag-amok tong si eminem..pare! don’t CRACK A BOTTLE.. mahal yan sigaw ni Enrique iglesias sabay sabing “ you can run , you can hide but you cannot ESCAPE ..”sumagot naman etong si eminem ngayon..wag kang makialam dito..wenu ngayon!gagawin ko ang gusto ko, babayaran ko kahit magkano..”TILL I COLLAPSE”..
Ilang minuto lang naman ang nangyaring sigalot at sagutan ng mga kumag dahil nag-paawat naman sila ng biglang huminto ang sasakyan ni Jason Mraz at sinabihan si britney ng “I’M YOUR’S” na-shocked syempre ang pop princess at hiniritan ng “WOMANIZER”, at dahil kasama ni Jason mraz si lady gaga, humirit naman eto ng POKER FACE..at ayun nagkarambola na ang dalawa..
At dahil magkaibigan etong si Britney at Beyonce tinawagan niya eto para humingi ng saklolo, IF I WERE A BOY, uupakan ko ang mga yan isa-isa lang..antayin mko..dinig ko kasi naka-loud speaker eh..
Eto namang si taio cruz na bagong salta sa baranggay eh nag-eemo..kras pala nya si PARIS HILTON kaya lang SHE’S LIKE A STAR daw na mahirap abutin..tsk!para namang na-STARSTRUCK si lady gaga dahil nakita nya si chris brown na sumasayaw ng WALL TO WALL..hay ikaw ang NUMBER 1 ko sabi naman ng bading na si tinchy rider kay T.I na sumagot naman ng WHATEVER YOU LIKE.. haaay ang gulo!
Hindi naman nagtagal at dumating si kenna humihingi ng tulong hindi daw sya maka-connect sa internet kaya sinabi ko baka LOOSE WIRES lang, habang si kate perry ellis eh moody, minsan HOT AND COLD ang timpla..kaya mo yan sabi naman nitong si neyo habang tinatanaw ang kanyang MISS INDEPENDENT..ang torpe naman kasi..eto namang si pitbull BLANCO ang utak sa sobrang dami ng nainom na alak..kaya parang si flo rida eh napapa-RIGHT ROUND sa hilo..tsk..!mga sikat nga naman oh..
Bago ko makalimutan ang lahat try nyong pakinggan ang mga new wave kung antok na antok na kayo at sawang sawa na ang mga tenga nyo sa mga bagong kanta..pang relaks lang..lalo na yung YOU CAN’T HURRY LOVE
At yan ang halo-halong kwento kasama ang mga sikat..ahmm mga ilan na kanta na nasa celpone ko..
May 2, 2009
Mayo at eto ang unang entrada ko, hindi ako updated sa nangyayari sa pilipinas o kahit naman dito sa dubay, kahit na ba sabihing makabagong teknolohiya na ang mga ginagamit dito pero hindi naman lahat nakalagay sa gusto mo, madami pa din nakatago..
hindi kumpleto ang mga impormasyon na dapat sana eh malaman ng tao, ang latest lang eh ung SWINE FLU..kung hindi pa ako magbabasa sa internet hindi ko pa malalaman na madami dami na rin pala ang namamatay sa ngayon..
OO nga pala panalo na si PACQUIAO. 2nd round lang.
eka nga komersyal lang po yan.. Masyadong masalimuot ang mga isyu sa loob at labas ng bansa, at kung dito ako sa blog ko magpapaliwanag wala na rin halos pinagkaiba eto sa balita..ibig kong sabihin eh nakakasawa diba?
Malapit na akong maging astronaut. Tulad ni vhonne..Ang pagiging astronomer ko hihinto muna ng ilang araw, hindi na ako mangangarap lang at hindi ko na lang basta basta un tititigan, tatanawin at papangarapin lang. mahahawakan ko na sya, makakasama, mararamdaman.
Namimis ko na ang yakap ni nanay. Ang birong “ pautang naman”,
Ang ingay ng mga kapatid ko. Ang pag-akyat namin sa puno. Ang pag-aagawan namin sa remote control ng telebisyon. Ang pagpapasa-pasa ng utos sa pagbili ng sibuyas sa tindahan. Ang pag-uunahang matapos kumain para hindi mag-hugas ng plato. Ang magkasama naming gumala ni ate kahit lagi kaming nag-susuntukan. Ang sabay naming paghalukay ng damit sa ukay-ukay. Ang pag-akyat namin sa puno ng manga. At ang pagpupuyat sa panonood ng mga horror na pelikula.
Namimis ko na ang kwarto ko. Ang mayakap si pooh. Ang muling pagsabog ng unang stereo ko. ang pag-tatambay sa kanto kasama ang mga barkada kong nagmamaneho ng traysikel. Ang pag-kain ng lugaw o mami sa bayan. Ang maingay na mundo ng sabungan.Ang laging bumubungad na inuman sa purok 3.
Masaya akong tumatanaw sa langit ngayon, kung ang dating malungkot na tanawin na nakikita ko sa bawat pagkislap ng bituin ngayon naman tila ang bawat kinang na binibigay nya eh nag-hahatid ng isang kaaya-ayang ngiti sa aking mga labi.
Ang pagtingin ko sa kalangitan ay tila isang paborito kong palikula na lagi kong pinanonood, hindi nakakasawa, wala mang skript na binabasa ang bawat karakter na nabubuo sa aking kaisipan sapat na siguro ang katahimikang hatid nya at sa gitna ng dilim ang liwanag na nagbibigay sa akin ng pag-asa.
Ilang gabi pa kitang tatanawin.
Ilang umaga pa ang aking hihintayin.
Hindi ako mag-sasawa.
Hindi ako susuko.
Mag-hihintay ako.
Dahil ” bukas..”
Malapit na.. (^__^)
May 16, 2009
Tinakasan na naman ako ng mood ko nitong mga nakaraang araw, ewan ko ba at tamad na tamad akong mag-update..madalas nga eh nakaharap lang ako sa kompyuter at pindot ng pindot ng solitaryo, namaster ko na ata pati spider solitaire eh, at dahil bawal magdownload ng games pinagtyagaan ko na rin ung free cell na yan, wat to do..
Madaming kakatwang nangyari sa akin, sa loob at labas ng internet, un nga lang mas Masaya kung ang buhay mo eh NASA LABAS NG 4 na kanto ng monitor mo, freeze muna si PB..maimot din naman kasi sya eh..eh di mas mabuting wag na lang muna syang gumalaw diba?..
Nalala ko lang noon, atat na atat ako magka-internet, at halos hindi mo na ako mapapalayas sa harapan ng kompyuter na yan, kung ano-ano lang ang pinag-kakaabalahan ko, paghahanap ng mga piktyurs ng mga sikat na artista, mga bagong teknolohiya na binabandera..hindi ako nagsasawa..naranasan ko na ngang sinundo ako ng nanay ko na may dalang pamalo dahil hindi ako umuwe para pumasok sa eskwela..ang nangyari? Daig ko pa ang sumali sa marathon para makaiwas sa palo ni nanay..
masarap makipag-interact..
Nakakaadik..para ring droga noh?
minsan eh parang mas gusto mo pa silang kausap kesa sa mga taong nasa harap mo, Alamo kasing makikinig sila sa mga drama ng buhay mo, magtyatyaga sa kawirduhan ng utak mo..minsan nga nakakapag-bigay pa sila ng ngiti kesa sa mga taong ine-expek mo..
stress free..
pero may ilan din naman na naiinis sa kakorihan mo, wenu ngayon diba?wag mo lang eexpek na “totoo” lahat ng nakakausap mo, malaki ang cyberworld, walang limitasyon.
Tulad din yan ng isang malaking kalye, madaming tao, lahat hinahanap kung saan ang kanto para sa kanila.
Kung saan hihinto..
At kung mahanap mo ang sarili mo sa isang krus na daanan, huminto ka at tumingin ka muna sa kaliwa’t-kanan bago ka humakbang, hindi lahat ng matao, maganda ang idudulot sayo..hindi lahat ng maganda sa mata
Masaya..
Naranasan ko na yan, wala akong pinili. Dumerecho ako ng lakad, hindi ko hahayaang tumigil ang mundo ko sa dalawang kantong hindi naman dapat hintuan, mas malawak ang mundo ko sa labas.
Mas Masaya. Mas totoo.

nipa @ miramar resort
anong kinalaman ng picture na to sa post ko?
wala pampam lang hehehe